Bakit kaya ano?

Bata, matanda, sanggol, ate, kuya, lolo, lola, mami, daddy, tatay, nanay, chong, chang, at kung ano-ano pa. Bakit kaya ganito? hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba ang realidad na ito. Kung titingnan mong mabuti, ito ang likha ng makapangyarihang nating Panginoon. Ang dami. Ang daming tao. Tao na iniligtas niya sa wulang hanggang kamatayan.  Ang dami. Ang dami ding siya ay basta nalang kinalimutan. Tila ang pangyayaring iyon ay matagal nang naglaho at nag lisan. Nakakaawa. Nakakalungkot. Bakit? bakit kaya…

 Nakakamangha… Nakakamanghang sa bawat isang tao, isang buhay na kwento ang matutuklasan mo. Sa isang istorya dulot ng isang tao, ano kaya ang mahalagang kwento nito? Hindi ko alam kung bakit ako ay napapaisip ng ganito. Gusto ko lang mawari at obserbahan ang bawat taong nakikita ko. Ano kaya ang istory nila ano? Nakakatuwa ba? nakakalungkot? Ang daming tao…

 Bakit sa libo-libong taong nandito, wala akong ni isang gusto? Ehdi ang tanong bakit nag c’crush tayo? hmmm…  May some kind of attraction ba ito? like protons and electrons? Bakit? bakit sa buhay ang mga katulad mo lang ang nagugustohan mo?  Bakit? bakit ang mukha ng tao ang laging tinitingnan? porket ba ito ang unang nakikita, ito na dapat ang paniwalaan? 

Bakit kaya ganito ang mundo? paano ang matatahimik na tao? babaliwalain at lilisanin? paano ang mga di kaaya-ayang tao? pababayaan at tutuksuhin?

Sabi nila dapat tingnan muna ang pagkatao ng isang tao… eh bakit? ikaw ba ginagawa mo lagi ito?
Aminin mo.. gusto mo din mag karoon ng special na tao na may istura. Eh bakit? kelan ba nag umpisa ang pamantayan sa kagandahan ng isang tao? baka hindi natin alam ang panget ay maganda at ang maganda ay panget…

Ang gulo ano? bakit kaya? ang gulo din ng isipan ko, tingin mo?

Sa pagmamasid ko sainyo, tulad niyo rin kaya ako? nangangapa, at nagtataka kung bakit ganito. Bakit? bakit kaya ganito ang mundo?
Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang taka ko… may mga tao tila wulang ka pro’problema sa mundo, pero bakit ang iba tila pasan ang bigat nito?

Kalokohan… Noong pinanganak tayo, di natin alam kung saan ang ating tungo… Matatawag ba natin na malas kung mahirap ka lang sa mundo? eh paano kung lumaki ka subo-subo ang ginto. Maswerte ba talaga ang tawag sa iyo?

Ang kulit ano? bakit kaya ganito ang mundo? Hindi ko matigil ang pag iisip sa tanong na ito…
Itawa nalang ba at ipagsang tabi ano?

Eh ikaw? katulad nga ba kita na iniisip din ang mga bagay na to?

Sa totoo lang, alam kong hindi ko masasagot ang mga walang kwentang tanong na ito kung hindi ko itatanong sa mismong nag likha nito. 

Advertisements

4 thoughts on “Bakit kaya ano?

  1. no one actually falls for personality at first sight.. people are very visual.. they always want to see the pleasant things..that's the irony of life…and we don't share the same fate that's why we have different stories to live on..

  2. since you have so many questions, I'll throw one to you, too. haha. =) Bakit? Bakit mo naicp ang mga tanong na ito? What triggered them? hahaha! XP -cocat

  3. hahaha! nice ate lol, hindi ko din alam. These questions came to me when I was observing people while I was eating :))). Bigla nlng siya nag POP! XD, ang dami kasi ng tao… bakit kaya ano? haha!XD

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s